Aminado ang aktres na si Kyline Alcantara na nakararanas pa rin siya ngayon ng kalungkutan at anxiety pero hindi umano siya nagpapatalo sa mga kanegahan at challenges sa kanyang buhay at patuloy pa ring lumalaban.
Ayon sa dalaga, malaking tulong umano ang kanyang support system sa kanyang mga pinagdaraanan, lalo na ng kanyang pamilya at mga tunay na kaibigan.
Kung matatandaan, nasuong sa kontrobersya si Kyline nang mapabalitang naghiwalay na sila ng kanyang boyfriend at ka-loveteam na si Mavy Legaspi at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita ang dalawang Kapuso stars about the issue kaya wala pang kumpirmasyon kung ano talaga ang nangyari sa kanilang relasyon.
Sa isang panayam, sinabi ni Kylie na ayaw na muna niyang mag-dwell sa mga negatibong emosyon at ang mahalaga raw ay ang mga taong totoong nagmamahal sa kanya,
“They’re my source of strength nowadays, especially for the past few days. And not just my family but, my brothers, my friends, like yung mga tao po talaga na nakikilala kung sino po ako,” sabi ng dalaga.
Sa tanong kay Kyline na, “What color is your Christmas this year?”, pula at puti ang kanyang isinagot.
“White because I just want peaceful, kapayapaan sa buhay. Red kasi hindi po ako magpapaapak. Ako po’y lalaban pero hindi po sa isang maling paraan,” ayon kay Kyline at pangako pa niya sa sarili, mas magiging matapang at palaban siya ngayong 2024.