Inakalang tiyanak ng isang residente ang umiiyak na abandonadong sanggol sa isang masukal na lugar sa Daraga, Albay at nang pagtulungang hanapin ng mga residente, natuklasan nilang isa palang iniwang sanggol ang umiiyak sa madamong bahagi ng Barangay Anislag na nakita nila isang araw bago ang Pasko.
Akala pa umano ng isa sa mga nakakita, iyak ng isang tiyanak ang narinig niya.
“Oo, akala ko tiyanak. Kaya nga nung narinig ko, pupuntahan ko nawawala yung iyak. Pag-alis ko nang kaunti, iiyak na naman,” kuwento ni James Marinay.
Sa tulong ng iba pang residente, nakita nila ang sanggol na nakadapa, walang suot na damit at hindi pa umano napuputol ang pusod, na kaagad naman nilang dinala sa ospital.