Aminado ang aktres na si Kylie Padilla na kahit iba ang kanyang relihiyon, naniniwala pa rin siya sa diwa ng Pasko.
Sa kanyang IG, ibinahagi ng aktres ang kanyang saloobin sa naturang okasyon.
“I am not Christian but I believe in the spirit of Christmas, the spirit of giving, the spirit of family,” caption ni Kylie.
Naikuwento rin ng aktres ang ilan sa mga ginawa niya ngayong Christmas at isa na riyan ang magdasal, mag-reflect at mag-meditate at dagdag niya, super grateful siya na masilayan ang huling full moon para sa taong ito.
“This year was a wobbly, blurred but healing and revealing year. It gave birth to a clearer vision and more focused direction,” saad niya sa post.
“I also took some of my power back this year. Also I am slowly learning how to better distribute my energy to people even through social media. Sometimes the drain be draining huhu,” dagdag niya.
“But anyways like I said the more obvious resounding feeling is gratitude. Amen for all things [sparkling emoji],” aniya pa.
Kung maaalala, ipinakita ni Kylie ang naging simple Christmas celebration last year kasama ang dalawang anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo at ayon pa sa kanya, ang mga anak niya ang best gift na natanggap niya.
Matatandaan noong July 2021 nang kumpirmahin ng ama ni Kylie na si Senador Robinhood Padilla na hiwalay na ang kanyang anak kay Aljur matapos ang dalawang taong kasal.
Ito naman ay kinumpirma mismo ni Kylie at Aljur sa magkahiwalay na social media posts.