Inihayag ng Philippine Statistics Authority na bumaba ang poverty incidence rate ng Pilipinas sa unang semester ng 2023 na ikinatuwa naman ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kumpiyansa rin ang PalasyoKumpiyansa naman ang Malakanyang na hindi malayong makamit ang single-digit poverty level sa taong 2028.
Base sa ulat ng PSA, ang poverty incidence sa mga pamilya ay bumaba sa 16.4 percent sa first semester ng 2023 mula sa 18.0 percent sa kaparehong period nuong 2021 na may katumbas na 230,000 households na umiiwas sa kahirapan.
Bagama’t bumaba rin ang poverty incidence sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, nananatili itong pinakamataas sa bansa.
Sinabi naman ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na ang pagbubukas ng ekonomiya mula sa Covid-19 restrictions ang siyang naging daan para makarekober ang bansa.
Dagdag niya, sa unang tatlong quarters ng 2023, ang Pilipinas ay nagpakita ng remarkable resilience sa kabila ng mga hamon.
Sinabi rin ni Balisacan na malaking tulong ang mga ipinatupad na interventions ng pamahalaan para maibsan ang kahirapan gaya ng Targeted Cash Transfer Program, fuel subsidy, one-time rice allowance, at Libreng Sakay Program.
Sinisiguro ni Balisacan na ang magpapatuloy ang administrasyong Marcos na epektibong ipatupad ang ibat ibang inisyatibo at intervention partikular sa social sector.
Samantala, na-veto ni Marcos ang dalawang seksyon ng 2024 General Appropriations Act partikular ang patungkol sa Department of Justice revolving fund at sa Pagpapatupad ng Career Executive Service Development Program ng National Government.
Batay sa sulat ng Pangulo kay House Speaker Martin Romualdez na may petsang December 20, 2023, binigyang-diin nito na bilang parte ng kaniyang constitutional mandate kaniyang sisiguraduhin na mahigpit na ipinatutupad ang batas kaya obligado siya na i-veto ang DOJ Revolving Fund.
Sinabi pa ng Pangulo ang service fees ay malinaw na hindi mula sa mga aktibidad na uri ng negosyo sa loob ng General Provision on Revolving Funds sa GAA, na may kinalaman ito sa service fees na pinapataw kapag naghain ng reklamo at affidavits sa national prosecution service at sa petitions for review na inihahain sa DOJ.
Inihalimbawa ng Pangulo ang isang pahayag ng Korte Suprema na ang “inaappropriate provisions” ay unconstitutional provisions at probisyon na naglalayong amyendahan ang iba pang mga batas.
Na-veto din ni Marcos ang Section 38 sa ilalim ng General Provisions, ang “Implementation of National Government’s Career Executive Service Development Program.”