Isang bagong silang na sanggol na nakakabit pa ng pusod ang natagpuang patay sa isang creek sa La Castellana, Negros Occidental.
Ayon sa mga ulat, ilang mga bata ang nakapansin sa bangkay ng sanggol at sinabi rin ng pulisya na hindi pa natutukoy kung sino ang mga magulang ng sanggol, at kung saan ito isinilang.
Nasa Department of Social Welfare and Development na ang labi ng sanggol upang mabigyan ng maayos na libing.