Inihayag ng Department of Science and Technology na nasa 65 na probinsya umano ang maaapektuhan ng ng matinding El Nino simula Mayo 2024 at ayon kay DoST Secretary Renato Solidum Jr., nararanasan na ang epekto ng El Nino sa ilang bahagi ng bansa.
Saad ni Solidum, ang ilan sa mga epekto nito ay ang madalang na pag-ulan na nagreresulta sa pagkatuyo ng mga pananim at dagdag niya, maaring sa katapusan ng Mayo ay 77 percent na ng mga probinsya sa bansa ay makakaranas ng tag-tuyot o katumbas ng 65 na probinsya habang may anim na probinisya ang makakaranas ng matinding tagtuyot.
Sinabi rin ng kalihim na kailangan nang magtipid ng mga mamamayan bilang paghahanda sa epekto ng El Nino.