Viral ngayon ang isang TikTok video kung saan ipinakita rito ang makabagbag-damdaming pagkikitang muli ng isang overseas Filipino worker at ng kanyang alagang aso.
Batay sa video ni Shayb Sultan, kita ang kasiyahan niya na muling nakapiling ang alaga niyang Shih Tzu na si Pia sa Mactan-Cebu International Airport matapos ang siyam na buwan.
Bago nito, lumipad si Sultan sa Europe Marso nitong taon para magtrabaho.
Ayon kay Sultan, ngayon lang sila nagkahiwalay nang matagal kaya labis ang kaniyang tuwa nang magkita ulit sila ni Pia.
May isang milyong views at 90,000 likes na ang video ni Sultan sa TikTok.