Inihayag ni Department of Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na ang Department of Foreign Affairs na umano ang bahala kaugnay sa mga panawagang mungkahing pagdedeklara ng persona non grata kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.
Ang mungkahing ito ay lumutang kasunod ng dalawang pinakahuling insidente ng pangbobomba ng water cannon ng China Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas sa bahagi ng Ayungin Shoal at Bajo de Masinloc shoal nitong nakalipas na weekend.
Ayon kay Teodoro, ipinapaubaya na niya ang pagpapasya sa usapin na ito sa DFA ngunit kasabay nito ay muli niyang ipinunto ang malinaw na direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na patatagin pa ang defense strategy ng ating bansa.
Ito ay upang mapigilan ang anumang uri ng pagtatangka ng mga outside forces tulad ng China na buwagin ang kaayusan at kapayapaan sa rehiyon.