Inihayag ng Bureau of Immigration nitong Lunes na tinatayang nasa 1.5 milyong turista ang dadagsa sa Pilipinas ngayong Disyembre.
Ayon kay BI commissioner Norman Tansingco, nakapagtala ang ahensya ng humigit-kumulang 1 milyong arrivals kada buwan sa ikalawang quarter ng taon na siya umanong pagtaas mula sa 100,000 pagdating kada buwan nooong kasagsagan ng pandemya.
“By the Q2 of 2023, Tansingco said that the BI started recording around 1 million arrivals per month, a far cry from the less than 100,000 arrivals per month during the height of the pandemic,” sabi ng BI.
Kaugnay nito, nakapagtala ang ahensya ng 1,160,699 pagdating nitong Nobyembre kung saan halos kalahati nito ay kinabibilangan ng mga banyaga.
Sinabi ni Tansingco na 79 percent na mas mataas ang kabuuang bilang ng mga paparating na pasahero para sa buong taon, kumpara noong 2022.
Samantala, nagkapatala rin ang BI ng 1.1 milyong departures at ayon sa ahensya, malapit ang bilang na ito sa 1.3 milyong naitalang departures noong Nobyembre 2019.
Una nang inanunsyo ng opisyal na nagtalaga ang ahensya ng dagdag 50 immigration officer para sa border control ngayong holiday season.