Universal ang praise at wonder kina Xyriel Manabat at Zaijan Jaranilla, bilang sina Roxie at Poch, ang kanilang mga katauhan sa palong-palong Gen Z teen drama, ang “Senior High”.
Si Zaijan, bilang si Pochm nagpakatotoo na kay Roxie, si Xyriel. Inamin na na nito na meron siyang nakahalikan, at ispesyal ang halik na ito para sa kanya.
Ang galing ng buwelta ni Manabat sa eksena, nung binitawan niya ang mga linyang: “Special yun Tim, bakit may itlog na maalat ba yun kaya naging special?” At may mahahaba pang aria tungkol sa mistle toe, fireworks, true love’s kiss at yun na nga, si Roxie ang naghamon ng break! In fair Verona sa dalawang dating child stars na ngayon nga ay Gen Z teens na, ang gagaling sa eksena. Palakpalan na may kasamang sigawan for them!
Si Manabat nga, ang mga taga-Ekis na sumusubaybay sa palatuntunan nila, ang feeling sa breakup scene acting moment ng dalaga eh a powerful mix of Maricel Soriano, Maja Salvador at Angelica Panganiban. Yung iyak tawa at linyahang nakakatawa na may kasamang pag-ngawa, hugot na hugot at totoong-totoo.
Si Jaranilla naman, best in units and objectives, yung pag garalgal ng boses, yung dahan-dahan pero emosyonal na pag-amin, yung ayaw niya sanang makasakit pero alam nitong masasaktan talaga si Roxie. Pusong-puso talaga si Zaijan.
Bago ang break up scene na ito, ipinakita rin ni Tim ang kanyang tenderness at care kay Poch, ang katauhan ni Miggy Jimenezm na di mapigilkang mapaiyak sa kanya dahil pakiwari nito, malas siya sa lahat ng mga taong nagiging malapit sa kanya. Yung pag-alo ni Tim sa mukha ni Poch, yung pagpunas ng mga luha at yung mahigpit na pagyayakapan, na biglang nagwakas agad nga kasi nga may text message itong si Roxie. Ang emotional commitment at katotohanang bininigay nina Jaranilla at Miggy sa TimPoch, ibang klase rin.
Si Zaijan at si Jimenez nga ang dahilan kaya mas maraming naging mausisa at ngayon ay pinapanood na ang “Senior High”. Ang bawal nilang pagmamahalan ay nagdagdag ng apoy, init, kilig at sagitsit sa programa.
Hindi pa alam ni Roxie kung sino ang nagbigay ng special kiss kay Tim. Tiyak na kaabang-abang kung paano matutuklasan ni Roxie na si Poch paka ito. The plot thickens indeed!
Mabuhay ka, Xyriel Manabat. Patotoo ka sa mahusay na child star, mas magaling na teen star. Ganun rin ang papuri para kay Zaijan Jaranilla.
Kung saan pupunta ang kwento ng TimPoch, abangan ang susunod na kabanata talaga. Kung ano ang magiging resolve ni Roxie sa katotohanang hindi pa absolute truth, kapana-panabik na kaganapan, sa totoo lang.
We want some more pa, “Senior High”! Bring it on!
Ang starlet of pine tree proportions, si Christine Samson, balitang-balita na hindi kumikilos ng ayon sa kayang ganda.
Supporting cast siya “Unspoken Letters” ang family dramang pinagbibidhan ni Gen Z drama princess Jhassy Busran.
Ang mga seasoned stars, tulad ni Tonton Gutierrez, Gladys Reyes at Simon Ibarra, puring-puri ang pagiging professional at commitment ni drama princess Jhassy na paghusayan ang pagiging si Felipa kaya hinahangaan nila ito.
Ang wala pa namang napapatunayang si Christine, ayon sa isang unimpeachanble source: “Ang hirap yayain sa promo. Very uncooperative. May isang promo na di ito sumipot ng tama at sa premiere night, dumalo nga ito pero hindi tinapos ang pelikula.”
Ay! Nag-a-aattitude na agad?! Naku, naku, naku…. Pagpatuloy mo iyan Christine Samson at siguradong hindi ka pa nga sumisikat, laos ka na agad, huh!