Trending sa Ekis social media site ang mga pangalang Raven, Sean at Gelo. Ang tinutumbok na mga nilalang ay ang magkatambal na sina Raven Rigor at Sean Tristan, na huling nagbida sa suspense teen drama na “Fractured” at si Gelo Rivera na isa sa miyembro ng PPop group na BGYO.
Ang mga kaganapan sa tatlong mga binata, kung babasahin at uunawaing maigi ang posts na pinagpipiyestahan sa Ekis, mananalig ang balana at madlang pipol may tatsulok ng pag-iibigan na sila ang mga pangunahing katauhan.
Salamat na lang sa mga mabubunying mga netizen, ang mga posts mula sa SeVenm ang portmanteau nina young masters Sean at Raven, na burado ay kanilang nailigtas kaya nag-aapoy ang tiktak ng chika tungkol dito.
Sa buradong texts ni Tristan, ipinahayag nito na “My heart hurts” at “Once a cheater, always a cheater. I forgave you thrice, I’m done.”
Kaya naingusong si BGYO Gelo ang salarin sa pangyayaring ito, sa isang buradong post pa ni young master Sean, tinatanong niya kung sino ang mang-aawit na kumanta sa linyang kanyang tinandaan. Ang awit ay “Bulalakaw” at ang bahagi ng kanta, boses ni young master Rivera ang maririnig.
May bumulaga rin sa Ekis na larawan nina Rigor at Gelo na magkasama at may lumang bidyo post na nag-like si Rivera sa sinasabi ni Raven habang may live broadcast sila ni Sean. (So, noon pa pala ang landian?)
Itinanggi ni Rigor, sa tatlong bahaging Ekis posts, ang tungkol sa “cheating” at kung ano ang konteksto ng posts ni Sean, at kanyang pinalawanag na ang status lamang nila nito ay bilang “co-workers” at “BFF” off camera. Hindi na nga nila sinusundan ang isa’t-isa sa IG dahil may problema sa kanilang “circl” at walang “kataksilan” na pangyayari.
Humihiling si Rigor, sa posts na burado na rin, na wag agad maniniwala sa mga di-makatotohanang mga balita.
Ang tanong ng mga bakla, baklang naging babae, mga babaeng mga may pag-uugaling pang-bakla at mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa nila mga lalaki pero ayaw matawag na bakla, bakit kailangan burahin ang mga post kung wala pala itong katotohanan? Ang mga namumuno ba sa karera ng SeVen ang nagutos na burahin nila ang kanilang mga post? Kaso, too late the hero na ang lahat dahil nga saved and shared na ito?
May namamagitan bang higit pa sa pagiging co-workers sina Sean Tristan at Raven Rigor at na lang talaga sila basta best friends forever for life? Totoo na ba ang lahat sa SeVen at hindi na ito basta mga katauhan na kanilang ginagampanan sa palatuntunan sa telebisyon?
At kailan, saan, paano nagsimula ang pagiging malapit nina Raven at BGYO’s Gelo?
Nagsanga na ang chika dahil ang bulag na balita na may dalawang lalaking artista na kapwa lasing ay nahuling naglaplapan sa isang pagtitipon, ngayon ay kumbinsido ang lahat na sina Raven at Gelo ang mga ito, at nag-one plus one equakls 21 ang mga nagmamasid na kaya pala walang masyadong together photos ang dalawa kasi may isa sa kanilang pumapara-paraan at buhay na patotoo sa kasabihang “pag may alak, may balak”, huh!
Kaloka ang diumanong tatsulok ngopag-iibigan na ito, gustong kabugin ang hiwalayang KathNiel! Lumelevel!
Bukas ang aming pitak at ang DTT Show, para sa bersyon ng katotohanan nina Raven Rigor, Sean Tristan at Gelo Rivera.