Limang araw matapos niyang kumpirmahin ang hiwalayan nila ni Daniel Padilla, ginulat naman ni Kathryn Bernardo ngayong Martes ang netizens sa kanyang bagong pasabog.
Sa latest post kasi ng aktres sa Instagram, makikita ang bagong hair color niya.
“I hope Santa still recognizes me with orange hair,” caption niya.
Hindi naman napigilan ng showbiz friends ng aktres na mapa-comment sa new look ng dalaga.
“Booogsh,” sey ni Heart Evangelista.
“OO NAMAAAAN!!!” comment ni Chie Filmeno.
“BEAUTIFUL,” saad ni Ivana Alawi.
“He would,” hirit ni Sarah Lahabati.
“Baka Kathryn yarn,” saad ni Angeline Quinto.
“Rebeldeh,” banat naman ni Ronaldo Valdez na nakatrbaho ng aktres sa “2 Good 2 Be True” at “Three Words to I Love You.”
Nito lamang nakaraang Huwebes nang kumpirmahin ng 27 anyos na aktres na hiwalay na sila ni Daniel.
“Chapter closed. I hope this finally helps all of us move forward. I won’t be entertaining questions regarding this anymore. Thank you for understanding,” caption niya sa kanyang post na may nakalakip na throwback picture nila ni Daniel at isang mensahe.
Halos 11 taon nagtagal ang dalawa na silang bumida sa ilang top grossing Filipino films gaya ng The Hows of Us, Barcelona: A Love Untold, Crazy Beautiful You, at Can’t Help Falling in Love.