Tatlong mummy na galing sa Bolivia ang isinauli ng Switzerland nitong Lunes dahil walang permiso ang pagkuha sa mga ito.
Daang-taon na ang mga mummy na ibinigay sa ministro ng kultura at dekolonisasyon ng Bolivia, Sabina Orellana Cruz, sa isang seremonya na ginanap sa Geneva Ethnographic Museum.
“Ngayon araw ay nagkasama kami ng aming pinag-ugatan,” pahayag ni Cruz matapos ang seremonya.
Isinagawa ang seremonya sa gitna ng pagbabalik ng mga Kanluraning institusyon sa mga relikya na ninakaw o nakuha sa kadudadudang pangyayari sa mga nakaraang siglo.
Ang mga nasabing mummy ay dalawang matanda at isang bata na nakayuko. Nakasaplot ang mga ito ng tinirintas na hibla at nakalagay sa kahoy na kahon na may selyong pangdiplomatiko.
Bago ang seremonya, ipinagbigay-alam ng pamahalaang Switzerland sa Bolivia ang mga nasabing mummy at sinundan ito ng paghahanda sa pagbabalik nito sa Bolivia.
Ayon sa museo, ang mga mummy ay galing sa bayan ng Coro Coro na may taas na 4,020 metro, sa timog-kanluran ng kabiserang La Paz.
Ang mga ito ay na-mummify alinsunod sa tradisyon bago madiskubre ni Christopher Columbus ang kontinenteng Amerika.
Ayon naman kay Cruz, nasa pagitan ng mga taong 1100 at 1400 ang tanda ng mga mummy.
Sa pagsusuri, ang konsul na Aleman na si Gustave Ferriere ang nagdala sa mga mummy sa geographical society ng Geneva noong 1893.
Ang kapatid naman ni Ferriere na si Federic ang nagbigay ng mga mummy sa archeological museum ng Geneva noong 1895 at naisama sa lumang enthnographic museum ng siyudad.