Aminado ang aktres na si Jennica Garcia na hindi niya naiisip sa ngayon ang kanyang lovelife at hindi siya naghahanap ngayon ng bagong boyfriend dahil mas nais niyang mag-focus sa pagtatrabaho at sa pag-aalaga sa kanyang mga anak lalo pa’t isa na siya ngayong single mom matapos nga silang maghiwalay ni Alwyn Uytingco.
“Nagiging running joke po namin ng mga kaibigan ko yung love life, pero hindi naman po talaga ako naghahanap. Kasi sa naranasan ko po, kasi okay na po kahit wala na pong dumating, huwag lang po ako masasaktan nang ganu’n po ulit,” sabi ni Jennica sa isang panayam.
“Kung meron man po akong pangarap ngayon, yung mabuhay ko po yung mga anak ko na masaya po sila, mabigay ko po yung mga pangangailangan nila, at higit sa lahat, sana makahanap po sila ng asawa sa future, na hindi po sila iiwanan, yun lang po,” dagdag niya.
May mga kumakalat rin kasi na kaya hindi siya naghahanap ng bagong pag-ibig ay dahil may isang lalaking umaali-aligid sa kanya na nakilala niya nang mag-shooting sila nina Melai Cantiveros para sa pelikulang “Ma’am Chief” sa South Korea?
Ayon sa kumakalat na tsismis, ang naturang guy ay isang Koreano at director of photography.