Nitong nakaraan ay dumalo ang aktres na si Kathryn Bernardo at nobyo niyang si Daniel Padilla sa beach wedding Direk Cathy Garcia at matapos nito ay sandamakmak na tuksuhan ang inabot ng dalawa.
Kasi naman, si Kathryn ang nakasalo ng bouquet of flowers na ibinato ni Direk Cathy sa wedding reception nila ng kanyang groom, ang cinematographer na si Louie Sampana.
Mapapanood sa isang video na kuha sa naganap na kasalan ang pagsalo ni Kathryn sa bulaklak kung saan maririnig ang boses ng boyfriend niyang si Daniel na na nag-dialogue na pwede silang magpakasal bukas na bukas din.
Kasunod nito, mas lumakas pa ang sigawan at palakpakan ng mga bisita nang si Daniel naman ang makasalo ng wedding garter na inihagis ng groom.
May napanood na video na ni-repost ng isang KathNiel fan account (@ching_dee_) kung saan tinukso rin ng isang guest sina Kath at DJ, “DJ, nakuha. Paano ba ‘yan?”
Na agad namang sinagot ng aktor ng, “Bukas na bukas din.”