Mananatiling nakabinbin sa Land Transportation, Franchising and Regulatory Board ang mungkahing taas-singil sa pasahe dahil sa pabago-bagong presyo ng langis.
Kaugnay ang pahayag na ito ni LTFRB chairman Teofilo Guadiz III sa inilalakad na dagdag P5 sa pamasahe na petisyon na inihain ng ilang transport group noong Agosto.
Ayon sa opisyal, hihintayin ng ahensya na bumuti ang presyo ng krudo bago ipagpatuloy ang mga pagdinig sa Disyembre.
“We already have a P1 provisional fare hike, we noticed that recently, ang presyo po ng langis ay taas, baba, taas, baba. Inaantay po nating mastabilize iyong presyo hanggang nitong December bago po kami mag-set ng hearing,” sabi ni Guadiz.
“Because if we set a hearing now, and then tomorrow, the oil prices will change again. And then it goes up up and down again. Hindi po talaga namin matutugunan kung magkano ang increase, kung ibibigay man namin,” dagdag niya.
Sa kasalukuyan, P15 ang pamasahe sa tradisyunal na dyip, samantalang P15 naman sa mga modern jeepneys.