Inihayag ni United States President Joe Biden na nais niyang muling itatag ang military-to-military ties sa China.
Ayon kay White House national security adviser Jake Sullivan, ito ang nais na mangyari ni Biden ilang araw bago sila magkita ni Chinese President Xi Jinping.
Nakatakdang magkita ang dalawa sa Miyerkules sa Asia-Pacific Economic Cooperation summit sa San Francisco at ito ang ikalawang in-person meeting sa pagitan ng dalawang lider mula nang manungkulan si Biden noong Enero 2021.
Iginiit ni Sullivan na ang restored military ties ay posibleng maganap sa bawat level mula sa senior leadership hanggang sa tactical operational level.
Samantala ayon sa senior US official, ang pagpupulong sa pagitan ng dalawang lider ay inaasahang matatalakay ang mga pandaigdigang isyu mula sa digmaang Israel-Hamas hanggang sa pagsalakay ng Russia sa Ukraine, Ugnayan ng North Korea sa Russia, Taiwan, Indo-Pacific, Usapin sa karapatang pantao, fentanyl production, artificial intelligence, pati na rin ang “fair” trade at economic relations.
Inaasahan na tatalakayin ng dalawang lider ang mga pangunahing usapin gaya ng giyera sa Ukraine at Russia ganun din ang labanan ng Israel at Hamas terror group.