Isang bangkay ng 10-anyos na bata ang natagpuang lumulutang sa isang ilog sa sa Barangay Katipunan, Quezon City.
Ayon sa pulisya, isang Grade 4 student umano ang biktima at base sa paunang imbestigasyon, nagka-yayaan ang biktima at tatlong batang kapitbahay na maligo sa ilog nitong Sabado ng hapon.
Tumalon ang biktima sa ilog at nalunod. Hindi siya nailigtas ng kanyang mga kasama.