Type palang “sisirin” ng aktres na si Beauty Gonzales si Alden Richards sakaling mabigyan sila ng chance na magkasama sa isang project at ayon sa aktres ay talagang isa sa mga pangarap niyang makasama si Alden sa mga susunod niyang proyekto sa GMA.
Ayon kay Beauty, nais niyang makatrabaho ang binata sa kanyang next project.
“Well, I really wanna work with a lot of…ang hirap i-explain, e. Marami. Alden Richards, I wanna work with him, I haven’t worked with him. Feeling ko kaya ko siyang anuhin,” sabi ni Beauty.
Hiningan siya ng paliwanag kung “aanuhin” niya si Alden, pero muli lang napasigaw si Beauty sabay tumayo at nagkunwaring magwo-walkout na.
Umupo uli ang aktres at nilinaw kung anong meron si Alden at gusto niyang “anuhin”. “Because I wanna get the beast out of him,” sey ng aktres sabay tawa with matching tili pa rin.
“Kaya ko. Kaya ko yun!” dagdag pa niya.
“I want him to be bad boy. Yung parang ano, I don’t know, different thing, I don’t know,” sabi pa ni Beauty.
Hindi pa raw napanood ni Beauty ang blockbuster movie nina Alden at Julia Montes na “Five Breakups and a Romanc” kaya wala siyang idea tungkol sa laplapan at love scene ng dalawa.
“No, I haven’t kasi I’m in Bacolod doing a film, e. And I was on the outskirts of Bacolod, not really in Bacolod City. So I haven’t really had the chance to watch it, but congratulations. I heard it was an awesome film,” saad ng aktres.
Pero paglilinaw niya, kung anuman daw ang ginawa ni Julia kay Alden sa naturang pelikula ay kaya niya ring gawin.