Aminado ang baguhang aktres na si Kaila Estrada na nais niya ring sumabak sa action na ayon sa kanya ay isa sa kanyang mga dream role.
“I want to try action at least once, but I really want to give it a shot. I love watching it. I know it’s tough, physically demanding. I want to do a suspense thriller, a psycho character. Something different. I’m very interested in exploring that. I’m very inspired by Anne Curtis’ movie, ‘Buy-Bust,’ I really want to do action,” sabi ni Kaila.
Si Kaila ang anak nina Janice de Belen at John Estrada.
Maraming pumupuri sa dalaga dahil sa ipinamalas niyang galing sa dalawang Kapamilya series na kinabibilangan niya – ang kontrobersyal ngayong “Linlang” at ang pinag-uusapang “Can’t Buy Me Love.”
Talagang super clap ang viewers sa mga nakakalokang confrontation scene nila ni Kim Chiu na gumaganap naman bilang si Juliana, ang kalaguyo ni Alex sa kuwento ng serye.
Nag-viral din recently ang eksena nila ni JM kung saan nalaman na nga niya ang tungkol sa pagtataksil nito kasabay ng kanyang pagbabanta na hinding-hindi siya papayag na mapunta kay Juliana ang kanyang asawa.
“I am super grateful they let me do this on my own. They let me figure out my way into show business. I feel that this has made me cherish it more because I know how much work I’ve put in,” sabi ni Kaila.
“They give advice when I ask, but only when I ask. Other than that, they give me the freedom to figure things out,” dagdag niya.
Sabi pa ni Kaila, marami siyang natututunan sa mga dating sablay na nagagawa niya bilang artista.
“I’m grateful for it. It taught me a lot, and those are the times when you truly learn. That’s when I learn the most.”