Umabot umano sa sampung truck ang napuno nang mga hinakot na basurang naiwan sa ilang mga sementeryo sa kasagsagan nang paggunita ng Undas nitong linggo, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority.
Sa datos na nakuha mula sa Metro Parkway Clearing Group, katumbas umano nito ang nasa 33.83 metric tons ng mga basura na naiwan ng mga bumisita sa 27 na sementeryo sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila mula October 26 hanggang November 2.
Dagdag ng MMDA, mas mataas ito kumpara sa 24.2 metriko tonelada ng basura na nakulekta sa paggunita ng Undas noong nakaraang taon.
Kabilang sa mga sementeryong hinakutan ng basura ay ang La Loma, Golden Heaven Cemetery, St. Joseph Cemetery, Manila South Cemetery, Tugatog Cemetery, Mandaluyong Cemetery, San Felipe Neri Catholic Cemetery at North Cemetery.