Naging trending ngayon ang umaatikabong love scene sa trailer ng “FPJ’s Batang Quiapo” na pinagbibidahan ni Coco at ng bago niyang leading lady na si Ivana Alawi.
Matinding halikan at sex scenes kasi ang aabangan bukod sa mga action scenes nina Coco at Ivana sa mga susunod na episode ng “Batang Quiapo”.
Nagulat ang mga netizens nang napanood nila ang bed scenes nina Coco at Ivana sa trailer ng “Batang Quiapo” bilang sina Tanggol at Bubbles at makikita ang mga intimate scenes nina Coco at Ivana na akala mo’y sabik na sabik talaga sa pagmamahal ng isa’t isa.
Pareho kasing palaban sa love scenes ang dalawa.
May ilan pang nagsabi na mukhang bumigay si Ivana sa tindi ng love scene nila, habang ang ilan namang mga netizens ang umurirat na parang gumanti raw si Coco sa kanyang partner na si Julia Montes na game na game ring nakipaghalikan at love scene kay Alden Richards sa “Five Breakups and a Romance”.
Simula nitong Lunes na ang panibagong yugto ng serye at mapapanood nga sa bagong trailer na naka-post sa Facebook page ng Dreamscape Entertainment, ang mga dapat abangan ng mga viewers all over the universe.