Natigalgal ang lahat nang rumampa sa star-studded pink carper premier night ng pelikulang “Barbie” ang actress-singer na si Dua Lipa na suot ang see-through silver shimmery gown sa Las Vegas noong Linggo.
Si Lipa, gumanap na Mermaid Barbie sa pelikula, ay proud pang humarap sa mga paparazzi na tila ipinagmamalaki ang kawalan ng suot na panloob sa kanyang gown pero todo ang accessories gaya ng diamond choker, holographic silver heels, at silver drop earrings.
Pero dahil pink ang favorite color ni Barbie, bubblegum-pink ang manicure ni Lipa at rosy-pink naman ang kanyang lipstick.
Matatandaang naging kontrobersyal ang pelikula nang ipagbawal ipalabas ito sa Vietnam bunsod ng isang eksena na nagpakita ng nine-dash line na mapa ng China.
Ang nine-dash line map ang iginigiit ng China upang angkinin ang buong South China Sea (SCS).
Maliban sa Vietnam, ang iba pang inaagawan ng China ng teritoryo sa SCS ay ang Pilipinas, Brunei, Taiwan, Malaysia at Indonesia.