Itinanggi ng aktres na si Kim Chiu ang mga kumakalat na balita sa social media na hiwalay na umano sila ng kanyang nobyong aktor na si Xian Lim at ayon sa dalaga ay isang malaking “fake news” lang ang lahat.
Mayroon umanong isyu na hindi na raw nakikitang magkasama sina Kim at Xian kaya naman agad na nag-one-plus-one ang ilang netizens at nagsabing baka break na ang magdyowa.
“Kayo talaga, baka nalilinlang lang kayo,” sabi ni Kim. “Okay na okay naman kami ni Xi, opo. Mapanlinlang ang showbiz pero maayos naman, masaya,”
Kinumusta rin si Kim tungkol sa ginawa niyang pagbisita kamakailan sa Queen Of All Media na si Kris Aquino sa Amerika na talaga namang ikinasaya ng puso ng kanyang “ate” sa showbiz.
“Sobra po talaga akong nasiyanan. Una, nahiya talaga akong puntahan siya kasi baka nagki-chemo siya and then, kailangan ng test, bawal puntahan. Ayokong kulitin siya kasi ‘pag tinext ko talaga siya na pupunta ako, gagawa siya ng paraan,” sabi ni Kim.
“Kaya kinumusta ko muna kay sir Mark (Leviste) and then si Sir Mark na ‘yung gumawa ng paraan na, ‘pumunta ka, okay siya, ang checkup namin sa hapon na,’” dagdag niya.