Laman na naman ng social media ang aktres na si Andrea Brillantes matapos ang kanyang panibagong pasabog sa isang event na dinaluhan niya nitong nakaraan.
Nag-costume kasi bilang si “Lilith” ang dalaga — isang Mesopotamian at Judaic mythology female figure at ang diumano’y unang asawa ni Adam ngunit nawala sa Garden of Eden dahil sa hindi nito pagsunod sa asawa.
At ang highlight ng kanyang costume ay may dala siyang isang buhay na yellow python.
Nang matanong ang dalaga kung hindi ba siya natatakot sa kanyang “live-action” costume, sinabi niya na wala siyang nararamdamang kaba.
“No naman kasi kapag mas kinabahan ako, mararamdaman niya ‘yun,” sabi ng dalaga.
Pag-amin pa ni Andrea, nais rin talaga niyang mag-alaga ng ahas ngunit ayaw niya namang pakainin ito ng daga.
“Gusto ko talagang mag-alaga ng snake kaya lang ayoko kasing mag-feed ng rat. Kawawa naman [yung mga rat],” sabi niya.
Dagdag pa ni niya, wala siyang dapat katakutan sa ahas.
“Tsaka ba’t pa ako matatakot? May mga kilala naman akong ganito. Char! Char ko lang,” sabi ni Andrea.