Nilinaw ng bansang Israel na hindi nito sususpendihin ang mga programa ng kanilang gobyerno para sa Pilipinas sa kabila pa ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan nila ng terror group na Hamas.
Tiniyak ito ni Israeli Ambassador to the PH Ilan Fluss at kabilang na rito ang kasalukuyang agricultural cooperation ng kanilang bansa sa Pilipinas.
Ayon kay Fluss, mayroon pa ring agricultural students sa Israel at nabisita na rin ng mga organizer ng internship program kasama na ang mga opisyal ng embahada.
Sinabi rin ng Israeli envoy na wala pang nagrequest o humiling sa kanila para sa repatriation.
Dagdag pa ng opisyal, wala itong nakikitang malaking direktang epekto ang giyera sa bilateral trades subalit patuloy aniya ang kanilang isinasagawang mga paganalisa sa sitwasyon sa kanilang bansa.