Nabaliw ang netizens sa claim ng isang ardent Aldub Nation fan named Mila Cambal na may anak na sina Maine Mendoza at Alden Richards.
Sa X (formerly Twitter) ay nagsalita ito at nag-post pa ng sinasabing anak nina Maine at Alden. Lumalabas na model sa ibang bansa ang bata na kanyang ipinost.
“Mayroon talaga silang anak at saka kahit nandoon sa ibang bansa ‘yang si Alden, mayroon yang bitbit na pambata talaga, pambata na laruan. Kasi kayo, ‘wag kayo agad magagalit. Dapat suriin n’yo talaga, ttiingnan ninyo hindi ‘yung nagagalit kayo lalung-lalo na sa sa mga Aldub Nation. ‘Yun nga ang sinasabi ni Alden, ang mga Aldub Nation ay matatalino, nakikita talaga. Pero hindi, eh. Nilalabas na rin yan ng mga Dabarkads. Dahil lang ‘yan sa mga proyekto, tinatago nila ‘yan dahil bawal sa kanila ‘yun. At saka number one, anuhin na nga, wasakin ang Aldub Nation, paghiwalayin para lang ‘yan sa mga proyekto na ‘yan na tangkilikin din para maging patok. ‘Yan lang ‘yon pero ang katotohanan ay may anak na ‘yan sila. Tandaan n’yo ‘yan. Tingnan mo, lumusot pa rin ngayon na kaliit-liit na bagay ay nakikita namin, nakikita ng Aldub Nation. Nazu-zoom namin na meron doon na laruan sa isang tabi. Tapos kunyari dalawang inumin, ‘yung isa sa pambata ‘yung inumin. Alam mo, hindi na ‘yan. Kailangan titingnan nating maigi at saka kami sasabihin ninyo na umasa kami na hindi katotohanan na mag-asawa na, kayo ang umasa. Meaning to say kayo kasi umasa kayong single. Tapos babaliktarin inyo kaming mga Aldub Nation na kami umasa na mag-asawa na. Katotohanan ‘yun, eh, kinasala sila, bulag ba kayo?
‘Yan ang aria ni Aling Mila sa X na pinagtawanan lang ng netizens.
“Huminahon po kau. Wag magdamay ng anak nang may anak. Model po ang bata sa HongKong. Wag nyong ipagpilitan na anak ni Alden at Menggay yan. RESPETO NA LANG PO KAY MRS MAINE MENDOZA-ATAYDE. Gumising na kau sa katotohanang WALA NA PONG ALDUB.”
“Nagpakatotoo na po si Alden. Walang sila ni Maine. Never been and never was!”
“Te manahimik ka na sa ilusyon mo about aldub, nagmumukha ka ng tanga.. kukuha ka na lng ng picture sa online pa.”
“Hahaha tawang tawa ako sa mga comment. BALIW BALIWAN LANG AMPUTAH. Hindi ko kayo kinakaya mga sira ulo hahaha.”
“I think kelangan nyo na pahimasin ng rehas to @mainedcm @aldenrichards02 kc pati inosenteng bata nadadamay na sa kabaliwan nya. Sampolan nyo na.”
“MGA BALIW!!! NAKAKALOKA KAYO.”
“Pabaliw na mga tao sa pinas mga delulu ampucha hahaha.”
“Mga hangal pota pati anak ng ibang tao dinadamay myo sa kahibangan nyo.”
“Nagdamay pa ng anak ng may anak. Nubayan!”
“aling mila, hindi po ba tayo nakapag-skip sa gamot?”
“Tigilan niyo na po pag singhot ng asin, masama po yan.”
“bakit hindi sinampahan ng kaso tong mgabtaong to nina main at aldin. mga delulu.”
“Kasalanan ni Tito Vic and Joey marami silang nalokong tao at naniwala naman ang mga tanga.”
May mga naniwala naman kay Aling Mila.
“She’s so cute hawig ni Menggay MAICHARD FOREVER.”
“Yellow.. Alam na dis kung kanino anak.. The nose and eyes.”
“Sòoòòò pretty naman this baby girl!!! Manang-mana sa pinagmanahan palibhasa pogi ang tatay at maganda ang nanay,siyempre sobrang ganda ng bunga.”
***
Balak sampahan ng cyber libel ni Bea Borres ang basketball player na si Ricci Rivero na ex-boyfriend ng best friend niyang si Andrea Brillantes.
Ito ay matapos magsalita si Ricci ng, “Puro tweet, Bea. Gusto mo maglabasan tayo ng labada? Tara sabihan tayo kung sino talaga kumakabit? Hingi ka lifeline para may bala ka bago ka mag reply publicly for your publicity. Sayang pakikiaalam mo kung di ka kasama sa headline” bilang sagot na cruptic post ni Bea.
“When I asked her kung ano masasabi nya regarding Ricci na ni-namedrop sya dahil sa post nya without naming names, sabi nito, sa ngayon daw she’s consulting her lawyer. Kausap daw nya ang kanyang lawyer kasi pwede siyang magsampa ng cyberlibel dahil sa sinabing pagiging kabit, at pinangalanan sya directly,” say ni Jhai Ho sa isang online show.
May kaugnayan ito sa pag-amin ni Ricci na dyowa na niya si Leren Bautista na isang public official sa Laguna.
Naku, saan kaya magwawakas ang drama-ramang ito? Will it be a “see you in court” thing?
As they say, abangan ang susunod na kabanata.