Nasa anim na katao ang naitalang namatay matapos ang pagtama ng missile ng Russia sa postal terminal sa Kharkiv region ng Ukraine.
Ayon kay Kharkiv region prosecutors’ office spokesperson Dmytro Chubenko, pinalipad ng Russian forces ang dalawang missiles mula sa Belgorod region malapit sa border nila ng Ukraine.
Dagdag pa niya, tumama umano ito sa gusali na pag-aari ng logistic company na matatagpuan sa Kharkiv region at dinala naman sa pagamutan ang nasa 16 na iba pa na nasugatan dahil sa insidente.
Tiniyak naman ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na mabibigyan ng hustisya ang ginawa na ito na Russia.
Sa iba pang balita, patuloy pang nadagdagan ang mga nasawi sa Gaza matapos na palakasin ng Israel ang mga protesta nito sa gitna ng nagpapatuloy na sigalot laban sa Hamas.
Ang pag-igting ng tensyon ay nang dumating ang isa pang convoy ng 17 aid truck sa nasabing lugar.
Dahil ang karahasan ay hindi napipigilan, sinabi ng Iran na ang rehiyon ay maaaring mawalan ng kontrol.
Matatandaan na nagbigay ng babala si Israel Prime Minister Benjamin Netanyhu sa Hezbollah Lebanon, na nagsasabing ang pagsali sa labanan ay maaaring kumitil sa buhay ng mamamayan.
Ang mga militante ng Hamas sa Gaza ay lumusob sa hangganan patungo sa Israel noong Oktubre 7, naglunsad ng isang pag-atake.
Ang nasabing pang-bobomba ay kumitil sa buhay nang hindi bababa sa 1,400 katao na karamihan ay mga sibilyan na binaril.
Una na rito, ang naturang 17 truck aid ay ang paunang mga tulong sa kabuuang 20 trucks na magmumula sa US.
Samantala, binalaan naman ng US ang Iran na huwag gatungan pa ang kaguluhan sa gitnang silangan.
Kasunod ito sa banta ng foreign minister ng Iran na magkakaroon ng hindi makontrol na kaguluhan sa Middle East kapag hindi tumigil ang Israel sa kanilang military actions laban sa Hamas.
Sinabi naman ni US Secretary of States Antony Blinken na ikinakabahala nila ang maaring pagtaas ng tensiyon pa lalo na sa mga pahayag ng Iran.