Dumating sa bansa ang nasa 20 overseas Filipino worker pa ang darating sa Pilipinas mula sa Israel, ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega for Migrant Workers Affairs.
Ayon kay De Vega, ang naturang mga Pinoy ay mga caregiver at hotel worker sa Israel at sa ngayon ay wala pa umanong bagong ulat ng mga Pilipinong nasaktan sa labanan ngayon sa Gaza pero sinabing dalawang Pinoy pa rin ang nawawala.
Kasabay nito, nilinaw ni De Vega ang mga ulat na ang mga Pilipino sa Gaza ay nagkakaproblema sa pagkuha ng pagkain at tubig, at sinabing hindi ito ang unang pagkakataon na nangyari ito.
Sabi pa niya, matagal na ito na parating nagkukulang pero matatag ang mga OFWs at nakakagawa raw ng paraan. Ang nakikita niya lang daw na hamon ay kung hindi maluwag ang blockade, ay mauubosan ang mga ito.
Samantala, may 20 trucks na na ipinadalang tulong sa Gaza ngunit hindi pa rin daw ito sapat.
Sinabi rin ni De Vega na ang pag-activate ng voluntary repatriation program nito sa Lebanon ay pag-iingat lamang para sa 17,500 Pilipinong nagtatrabaho doon.
Samantala, agad nagpaabot ng tulong ang pamunuan ng Department of Social Welfare and Development sa ikalawang batch ng mga Pilipino na umuwi sa bansa mula sa Israel.
Kinabibilangan ito ng P10,000 na tulong pinansyal, kagamitan at mga pagkain na nagkakahalaga ng P10,000. 00
Pagtitiyak ni Assistant Secretary for Strategic Communications Romel Lopez, ipagpapatuloy ng ahensiya ang pagbibigay tulong sa mga Pilipino na naaapektuhan ng naturang kaguluhan, kasama na ang tulong ng iba pang ahensiya ng pamahalaan, katulad ng DMW.
Maalalang una na ring nagbigay ng tulong ang Overseas Workers Welfare Administration at ang DMW sa mga Pinoy workers na una nang umuwi sa bansa matapos ang naging epekto ng giyera.
Sa kasalukuyan, umabot na sa 34 na OFWs ang naasistehan ng DSWD sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation program.
Dalawang batch ng mga Pinoy workers na ang nakabalik sa Pilipinas, simula inumpisahan ng pamahalaan ang mandatoryong pagpapauwi sa mga mangagawang pinoy na nakabase roon.