Isang pabrika ng serbesa sa Tsina ang naiskandalo dahil sa viral na video kung saan ipinakikita ang isang trabahador roon na umihi sa nakaimbak na serbesa kamakailan lang.
Umani ng milyun-milyong view ang nasabing video na inilagay sa Weibo, isang popular na social media platform sa Tsina.
Nangyari ang insidente sa isang warehouse ng Tsingtao Brewery Co.
Nag-anunsyo naman ang pabrika na tumawag na ito ng puilis upang maimbestigahan ang pinagmulan ng video.
“Our company attaches high importance to the relevant video that emerged from Tsingtao Brewery No. 3 on October 19,” pahayag ng kumpanya.
Ang inihiang beer naman ay hindi ginagalaw at sinarhan na, ayon sa may-ari ng pabrika.