Nagkaroon ng last minute change ng costume si Nikki De Moura, ang pambato ng Pilipinas sa Miss Grand International beauty pageant kahapon.
Ibinalita sa YouTube channel ng Crown Sisters ang pangyayari.
Ayon kay Nikki, mabigat ang naunang national costume niya kaya siya nagpalit.
Nang maisuot na niya ang pamalit na costume, naging “festival queen” ang Miss Grand Philippines 2023.
“It’s very different. I love it,” aniya.
Makulay ang national costume na sinisimbolo ang mayamang kultura ng bansa at selebrasyon ng pista sa Pilipinas.
Ang iba-ibang kulay nito ay kumikinang ng sigla. Ang mga burda at abubot naman ay sumasalamin sa husay ng mga Pinoy designers.
May kasamang feather headdress at pakpak, mga alahas at intricate na burda ang gown na nagpapakita ng kamangha-manghang visual spectacle.
Likha ni Er Stephen Alvarado ang festival queen costume ni Nikki.
Magkakaroon ng botohan sa mga kandidata upang mapili ang mananalo sa national costume contest segment ng beauty pageant.
Sa mga gustong bumoto kay Nikki, pumunta lamang sa Facebook page ng Miss Grand International at i-like ang kanyang litrato.
Katumbas ng 5 points ang isang like habang ang one share naman ay 10 points.
Magtatapos ang botohan tanghali ng Oktubre 22.
Ang koronasyon naman ng MGI ay gaganapin sa Oktubre 25 sa Phu Tho Indoor Stadium sa Ho Chi Minh City, Vietnam.