Binaril at napatay sa loob ng isang sabungan sa Sorsogon City ang isang lalaking dati umanong rebelde na nagbalik-loob na sa pamahalaan.
Sa CCTV, makikita ang biktima na naglalakad sa loob ng Guinlajon Cockpit Coliseum sa Barangay Guinlajon, West District, ang biktima na naglalakad at maya-maya pa ay dalawang lalaki ang sumunod sa kaniya at malapitan siyang binaril sa likod ng ulo.
At kahit nakatumba na, muling pinagbabaril ang biktima bago tumakas ang mga salarin.
Ayon kay Police Captain Estrella Recto, PCR Officer, Sorsogon PPO, na inako ng rebeldeng grupo na Celso Minguez Command ang krimen.