Kalat na kalat na sa social media ang diumano’y ibang karelasyon ni Francis Magalona na nagbunga ng isang anak.
Nagsimula ito sa viral video kung saan nagpunta ang isang former flight stewardess na si Abigail Rait kasama ang kanyang daughter Francesca sa “Pinoy Pawnstars” ni Boss Toyo para ipagbili ang jersey na ibinigay sa kanyang ng Master Rapper.
Sa kanyang pagbisita sa pawnshop, nagpakita si Abigail ng ilang photos kung saan kasama niya si Francis M.
“Noong nasa hospital siya lagi siyang tumatawag. Noong nanganak ako Sept. 8. Sobrang gumuho talaga ‘yung time ko noon. Ang dami niyang plano tapos bigla siyang nagkasakit. Pinakamahirap na part ‘yung situation ko. Hindi ako puwedeng lumabas. Ayoko naman dagdagan dahil may sakit na,” kuwento ni Abigail.
“For 15 years, nanahimik ako. I didn’t say anything about me and my daughter. Siguro eto na lang yung karapatan na pwede kong magawa para sa kanya,” dagdag pa niya.
“Kasi hindi naman ako nagsalita eh. I know people will judge me. But we exist. What we had is real. We exist. Mahal niya kami and that’s a fact,” pahabol pang sabi ni Abigail.
Say ni Abigail, kinuha ni Francis ang kanyang cellphone number noong mag-meet sila sa Eat Bulaga noon. Nagkapalagayan sila ng loob at nagging magdyowa hanggang magbunga ang kanilang pagmamahalan.
Sa isang video, ipinakita ang ilang photos ni Francis kasama si Abigail. Nitong ngang October 4 ay nagpunta pa ang mag-ina sa puntod ni Francis sa isang memorial park sa Marikina nang gunitain ang 59th birthday nito.