Aminado ang aktres na si Jane de Leon na talagang pangarap niyang makatrabaho sa isang project ang aktor na si Paulo Avelino at talagang hindi maitago ng dalaga ang nararamdamang excitement at kilig kapag napag-uusapan ang kanyang ultimate showbiz crush.
“Ito po kasi talaga, muntik na muntik ko na siyang makatrabaho. Crush ko kasi talaga siya si Paulo Avelino. Alam niya ‘yon,” sabi ni Jane sa isang online interview.
Pero nilinaw ni Jane na walang halong malisya ang paghanga niya kay Paulo kaya wala raw dapat ipangamba ang rumored girlfriend ng aktor na si Janine Gutierrez.
“Kasi given na ‘yung may looks siya, kaya ko siya nagustuhan kasi napakagaling niyang artista. ‘Yun ‘yung reason kung bakit gusto ko rin siyang makatrabaho. Hindi lang porke crush ko siya, siyempre hinahangaan, magaling kasi siyang artista. Parang kinakain ako ng upuan. Ahhh, Janine, trabaho lang,” sabi ni Jane.
Ayon pa sa dalaga, mayroon rin siyang dream role.
“Siyempre hindi naman matatapos lahat sa Darna. Sinasabi ko nga kay Lord, baka ito pa lang ang umpisa, ganyan. Marami, eh. Alam mo ‘yung ‘Split,’ ‘yung iba-iba ‘yung mga personality. I want to try that gusto ko ma-challenge ang sarili ko. Then other than gusto ko rin makapapag-explore out of the country kasi I really love my craft so much. Pumasok naman ako rito not just for the fame or for money but of course I really love my craft,” paliwanag ni Jane.