Iniulat ng Department of Foreign Affairs na inaasan nang magbubugkas anumang araw ang mga borders sa Egypt para sa mga Pilipinong lumikas doon mula sa Gaza City sa gitna ito ng digmaang sa pagitan ng Israeli Defense Forces at militanteng grupong Hamas.
Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo de Vega, isa rin sa mga isinaalang-alang ngayon n ahensya ay ang pagkaubos na ng mga pagkain ng mga Pinoy na na-stranded sa Gaza, habang may ilan naman ang umano’y napipilitan nang kumain ng mga panis na tinapay.
Dagdag niya, mauubusan talaga ng suplay ang mga Pilipino kungmananatili lamang ang mga ito malapit sa Rafah Border Crossing kung kaya’t kailangan nilang magpalipat-lipat ng lugar para makahanap ng masisilungan at makakain.
Dahil dito ay nagpapatuloy ang pakikipag-ugnayan ngayon ng Israelis at Egyptians para sa pagpo-prosesong ito sa kadahilanang ayaw din nilang makapasok sa Egypt ang pag-atake ng mga Hamas.
Kung matatandaan, nasa 135 pa na mga Pilipino ang nasa Gaza, habang 92 na ang humiling na mapauwi sa bansa sa gitna ng digmaan sa pagitan ng Israel at Palestinian militant group na Hamas.
Samantala, nakahanda na ang mga tulong na ipapaabot ng pamahalaan para sa mga kababayan nating OFW sa Israel.
Ito ang tiniyak ng Overseas Workers Welfare Administration kasunod ng inaasahang pagdating ngayon ng panibagong batch ng mga Pilipinong uuwe sa bansa mula sa Israel.
Ayon kay OWWA Administrator Arnell Ignacio, ngayong araw ay inaasahang makakauwe na sa Pilipinas ang 18 OFWs na narepatriate mula sa naturang bansa nang dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan doon.
Dahil dito ay mayroon nang kabuuang 28 mga OFW ang nakauwe na sa ating bansa, ngunit nilinaw niya na hindi lahat ng mga ito ay umuwe nang dahil sa kaguluhan, sapagkat ang iba sa kanila ay naka-schedule talagang bumalik sa bansa.
Samantala, bukod dito ay iniulat din ng opisyal na nananatili pa rin sa 131 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy na lumikas mula sa Gaza at kasalukuyang naghihintay na mabuksan at mapahintulutang makatawid sa Egypt kung saan naman sila sasalubungin ng mga opisyal ng ating pamahalaan para sa kaukulang assistance at repatriation.