May plano palang mabigyan ng project ang aktres na si Barbie Forteza at itatambal umano siya sa isang pambatong leading man ng ABS-CBN.
Ayon kay GMA Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide and Support Group Annette Gozon-Valdez, naiisip na nilang itambal ang kanilang talent na si Barbie sa isang sikat na leading man ng ABS-CBN.
“Wala pang cast in stone but we’re hoping na meron pang collaborations. Sana next year. Sana may movies, makagawa na. We’ll start na makipag-usap. We’ll see,” saad ni Ms. Annette.
Nang makaharap at makachikahan ng GMA executive ang ilang bossing ng Kapamilya network sa naganap na ABS-CBN Ball 2023, napag-usapan nila uli ang possible new collaboration.
“Nu’ng ABS-CBN Ball nakausap ko ulit sila Kris Gazmin pati sila Carlo Katigbak, Cory Vidanes. Sabi ko, ‘gawa na tayong movie.’ Kasi gusto na rin nila eh. Siguro matutuloy na next year,” sabi ni Ms. Annette.
“Yes, first co-production of movie ng Star Cinema and GMA. Wala pa (mga bibidang artista), pero parang iniisip namin, si Barbie, combined with one of their talents.”