Iyan ang tanong ng karamihan dahil sa rebelasyon ni Cristy Fermin sa online show niya kasama si Rommel Chika na buntis na ang dyowa ni Matteo Guidicelli.
Ang chika, may medical condition si Sarah kaya hindi natuloy ang Pampanga concert sana nito na kasama Bamboo.
“Nagliliihi na raw si Sarah Geronimo? Hindi nga po ba, ‘yung kanilang concert ni Bamboo sa Pampanga postponed. Naudlot tapos marami siyang hindi napuntahan na kompromiso.
“Ang sabi ng Viva, ang kanyang management agency, ‘yung medical condition nga raw. Ano kaya ‘yun, e, mukha namang walang sakit si Sarah. So, meron pong mga nagkwento sa amin. Mukhang ito na po ‘yun. Pregnant na raw,” say ni Cristy.
“Pero alam mo, mas naniniwala nga ako na nagdadalang-tao na at inililihim lang. Kasal nga nila nailihim nila e,” dagdag pa ni Cristy.
Well, kung true ang chika, welcome news ito para sa fans ni Sarah at maging sa mga supporters ni Matteo. Over three years na rin kasing kasal ang dalawa at marami ang nag-e-expect na magkakaroon kaagad sila ng baby na hindi naman agad-agad nangyari.
Teka, ‘di ba recently lang ay may naganap na inauguration ng kanilang studio? Hindi naman mukhang may sakit si Sarah based sa mga photos and video na aming nakita.
Wala pang confirmation or denial sa pagbubuntis ni Sarah. Wait na lang natin ang kanilang sasabihin about the issue.
Fans ni Maine Mendoza sobrang imbiyerna kay Alden Richards
Sobrang galaiti ang fans ni Maine Mendoza kay Alden Richards nang ma-interview ang actor sa talk show ni Boy Abunda.
Ito naman kasing si Boy, nagtanong kung na-fall ba si Alden kay Maine noong magkasama sila bilang Aldub sa isang noontime show.
“Yes, Tito Boy. Yes po,” sagot ni Alden.
“Hypocrite po kung hindi, and yes po, ayoko pong sabihing alam niya, pero I did confess,” dagdag pa ng actor.
With that, umalma ang fans ni Maine. Ang feeling nila, ginagamit ni Alden si Maine para mapag-usapan ang latest movie nito na malapit na ang showing. Na-bash nang husto si Alden dahil sa kanyang sagot.
“Nagfollow din ako sa loveteam nila nung una pero di ko na feel na nainlove siya kaya. hahaha ano tooo? Tama ka na alden binubuhay mo na naman ang kulto mo.”
“Deleted blog ni Maine pero may kopya pa rin kami. After ng Tamang Panahon, dinedma mo siya! Nafall? Neknek mo. You see Maine as a competition!”
“kasi flop ang movie for sure.”
“Nagpopromote lang yan ng bago nyang movie. After nun wala nanaman yan HAHAYA.”
“muntanga naman. kung kelan may asawa saka ka aamin ng ganyan. buti na lang hindi ka pinatulan.”
“tong si alden gumagawa ng issue para pag usapan siya tapos kajirits din yung umamin si mikee na umasa siya kay alden dati eh may jowa na siya ngayon di ko kinakaya philippine showbiz talaga hahhahahahajahajaj.”
“Pero nung aldeb era puro showbiz answer. Men always disappoint.”
“Not an ALDUB fan just MAINE . Idk. There is something with him that I don’t find interesting since day1. Never been a fan of him. Typical Showbis behavior.”
“naiinis na talaga ako kay alden kung di dahil kay maine wla gg na talaga career nya tapos di n man sya nagsalita about kay maine saah issue lagi tahimik kala ko ba love team sila di man lang pinag tagol tapos ngyon may promotion ulit sya ng pelikula gagamitin na man nya si maine.”
“I think this just proves that loveteam culture in the Philippines is toxic AF!”
Ang nakakaloka, nadamay sa galit nila si Boy Abunda.
“ang gago kasi ni tito boy magtanong dapat sinasabunutan yan eh.”
“Hindi na parang shunga si Boy Abunda kundi shunga talaga siya kasama na ung ini-interview niya. Parang si Sharon din, ipinagpipilitan din su Alden. The nerve of these 2 veterans. Wala na sa lugar ung mga sinadabi nila. Matatandang walang pinagkatandaan!!!”