Aminado ang aktres na si Heaven Peralejo na kung mabibigyan siya ng pagkakataon ay type din niyang mapasakanya ang mantle ng sirena ng bansa na si Dyesebel.
Nitong nakaraan kasi ay marami umanong fans ang nagsasabi na sana’y mapili ang dalaga ng ABS-CBN na magbida sa bagong version ng Dyesebel dahil na rin umano sa mga sexy photos ng aktres sa kanyang Instagram page ay may mga nagsasabing kering-keri niya ang gumanap na Dyesebel sa gagawing remake ng Kapamilya network.
Nang matanong kasi ang dalaga kung tatanggapin ba niya sakaling sa kanya i-offer ang nasabing proyekto, isa lang ang sagot ng dalaga.
“Wow! Oo, naman. Bakit tayo tatanggi? Napakagandang project nu’n. Sasabihin ko sa inyo kapag nangyari na. Pag-pray natin. I-manifest natin!” sabi ni Heaven.
Samantala, isa sa mga makakalaban ni Heaven sa pagka-best actress sa 2023 Asian Academy Creative Awards for her performance sa “Nanahimik Ang Gabi” ang South Korean superstar na si Song Hye Kyo para naman sa K-drama revenge series na “The Glory”.
Ayon kay Heaven, isang achievement na para sa kanya ang ma-nominate alongside Song Hye Kyo sa taunang AACA 2023 na magaganap sa December 6, sa Singapore, dahil fan na fan siya ng aktres.
“Medyo naiisip ko, mape-pressure ba ako? Dapat hindi kasi si Song Hye Kyo, to be nominated alongside her, sobrang laking step na yon. Kasi pinapanood ko lang siya sa The Glory. Parang isa ako sa mga fans niya. Kung maibigay sa akin yung award, sobrang pasalamat ko kay Lord. Pero kung hindi, to be nominated alongside Song Hye Kyo and the other actors, grateful na ako,” sabi ng dalaga.
Ano ang naging reaksyon niya nang malamang siya ang national winner sa Best Actress category ng Asian Academy Creative Awards?
“Umiyak ako dahil sa happiness hanggang tawagan ko si Mom. It’s like finally, finally. Hindi ko nga naging dream ito. I never dreamt of getting recognized internationally kasi parang hindi ko naman level yon. Pero ngayong I was recognized, wow, sobrang nili-limit ko pala yung sarili ko. Dapat pala hindi. I should believe in myself. Ako dapat yung unang naniniwala sa sarili ko. So, yun ang naging thinking ko noong mga panahon na ‘yon,” sabi ni Heaven.
“Finally, I am getting recognized with my work. Siguro hindi ko rin makukuha ang awards na ito kung hindi dahil sa mga aktor na kasama ko.”