“Parang wala namang nagbago. Parang may ring lang kami now.”
Tugon iyan ni Maja Salvador nang usisain ang estado ng buhay may asawa niya.
“How is married life so far?” tanong ng interviewer kay Maja sa isang panayam ng ABS-CBN News.
“Parang first interview namin. Lagi kami nagde-decline after our wedding, ang daming gusto mag-interview. So parang ABS-CBN Ball ang unang interview namin as [a] married couple,” ani Maja.
May dalawang buwan na ang nakalipas nang magpakasal sina Maja at esposong si Rambo Nunez.