Iniulat ng mga otoridad sa Davao City na isang dating sekretarya ng Philippine Sports Commission ang natagpuang patay at tadtad umano ng saksak sa loob mismo ng kanyang bahay sa Davao City.
Base sa paunang imbestigasyon, kinilala ang biktima na si Lilian del Campo Nieva, 57-anyos at ayon sa mga pulis, ang kapatid na lalaki ni Nieva ang nakakita sa bangkay niya matapos itong puntahan dahil hindi sumasagot sa mga tawag.
Dagdag pa ng kapatid ng biktima, nawawala ang mga alahas at cellphone ng kaniyang kapatid, na mag-isa lang nakatira sa kaniyang bahay.
May kopya na ng CCTV ang pulisya na kanilang gagamitin sa imbestigasyon.