Hindi pa man nagsisimula ang aksyon sa bagong season ng Philippine Basketball Association, unti-unti nang sinusukat ng San Miguel Beer ang kakayanan ng kanilang import na si Tyler Stone.
Pero sa mga naunang bahagi pa lang ng ensayo ng koponan, nakikini-kinita na agad ng Beermen ang potential ng kanilang reinforcement sa parating na Commissioner’s Cup na sisimulan sa 5 ng Nobyembre.
Beterano ng European League circuits si Stone, isang 6-foot-8 player at sa mga unang araw ng ensayo, na[pabilib na niya ang coaching staff ng Beermen.
“He can shoot, can play inside and out and he brings a lot of energy,” ang sabi ni San Miguel Beer team manager Gee Abanilla. “Those things that we saw in videos, we’re seeing now in practices and if he continues doing that, he’s going to be OK.”
Ayon kay Abanilla, inaasahan nilang maglalaro sa No.3 at 4 spots si Stone bilang kasabay nina six-time Most Valuable Player June Mar Fajardo at Mo Tautuaa, ang mga premyadong big men ng koponan.
Pero sa pagbubukas ng bagong season, malamang ay maging alalay muna sa paglalaro sina Fajardo, CJ Perez, Chris Ross at Marcio Lassiter.
Halos walang pahinga sa paglalaro ang apat na players.
Sina Ross, Lassiter at Perez ay pawang naglaro pa simula noong Mayo kung saan tinulungan nila ang Gilas Pilipinas na masungkit ang gintong medalya sa Southeast Asian Games sa Cambodia.
Magkasama namang sumalang sa FIBA World Cup sina Fajardo at Perez habang sinamahn rin sila nina Lassiter at Ross sa kasalukuyang kampanya ng Gilas sa Asian Games sa Hangzhou, China.
Ibig sabihin nito, kakailanganin nila ang sapat na pahinga bago sumalang sa susunod na season.
Malaki ang papel na gagampanan rito ni Stone katuwnag sina Terrence Romeo, Mo Tautuaa, ang papasikat na si Allyn Bulanadi at beteranong guwardya na si Jericho Cruz.
Ang puwesto ni Stone ay lubhang inssaahan rin ng Beermen dahil na rin sa hindi pa maglalaro ang injured na si Vic Manuel na kasalukuyan pang nagri-recover sa knee injury.
Dahil na rin sa kundisyon ni Manuel, kinuha ng San Miguel sa Rookie Draft si Troy Mallilin, isnag 6-foot-4 forward na naglaro sa Rizal sa Maharlika Pilipinas Basketball League.