HANGZHOU, China – Kinailangang dumaan sa butas ng karayom ng Gilas Pilipinas men’s 3×3 team bago maitakas ang 15-14 na panalo kontra Kazakhstan at makatawid sa quarterfinal round ng 19th Asian Games Sabado sa Deqing Geographic Information Park Basketball Court.
Pinangunahan ni John Rey Pasaol ang Pilipinas na may limang puntos, kabilang na ang drive sa huling 20 segundo para bigyan ng 15-13 na kalamangan ang Pinoy quintet.
Mabilis naman ang responde ni Ramazan Samsin para lipait ang kanyang koponan, 15-14, habang tinawagan naman ng turnover si Justin Sanchez na nagbukas ng pintuan para sa isa pang pagkakataon para sa Kazakhstan.
Pero hindi naibuslo ni Bogdan Rabchenyuk ang potential game-winning two point shot, dahilan para maitakas ng mga Pinoy ang panalo.
Malaking tulong rin sina Bismarck Lina at Sanchez na nagtala ng tig-apat na putos habang may dalawa naman si Sajonia para sa Gilas.
Haharapin ng Gilas ang South Korea South Korea sa knockout stage sa Sabado ng gabi.
Ang iba pang maglalaban-laban sa quarterfinals ay ang Mongolia, na haharapa sa Iran, habang lalabanan naman ng Qatar ang Japan. Magtatagpo naman ang host China at ang Chinese Taipei.
Ang Mongolia, Qatar, China, at Korea ay dumerecho sa quarterfinals habang dumaang pa sa classification ang Iran, Japan, Chinese Taipei at Gilas.
Tinalo ng Iran ang India, 19-17, habang nilam[paso ng Japan ang Macao, 21-12, at tinumba ng Chinese Taipei ang Indonesia, 19-17.