Nagmula ang katagang ito kay Saint Jerome ,ang nagsalin ng Bibliya sa Latin mula sa Greek.
Ipinahayag ito ni Father Rolly Dela Cruz sa Homily ng Daily Mass ng Manila Cathedral.
Ayon kay Father de la Cruz dapat ugaliin ng mga mananamanpalataya ang pagbabasa ng Bibliya upang makilala mo si Jesus Christ pati na rin ang iyong sarili.
Ang Scripture ay sagradong panulat ng Kristiyanismo na nakapaloob sa Bibliya.
Ang Bibliya o Banal na kasulatan kadalasan ay inilalagay sa altar sa loob ng tahanan.
Marami sa atin partikular na ang ating mga magulang ,lolo at lola ay naging gawain na ang pagbabasa habang nagpapalipas oras o nagpapahinga.
Pero paghikayat ni Father Rolly huwag hayaan kapitan ito Ng alikabok sa halip buksan ito at basahin.
Subalit ano nga ba ang kahalagahan ng Bibliya sa isang pananampalataya?
Sa katulad ng isang kasambahay na nakakwentuhan ko malaki ang nagawa nito para ituro sa kanya ang tamang landas sa buhay.
Inamin nito na sa tindi ng pinagdadaanan problema dumating Siya sa Punto ng pagsuko at nais tapusin ang kanyang buhay.
Ayon sa kanya , hindi niya alam ang gagawin para buhayin ang sarili.
Nakulong ang kanyang asawa dahil nasangkot sa isang krimen.
Hindi siya nakatanggap ng tulong mula sa mga kapatid dahil may mga sarili na itong pamilya.
Sinabi nito na bilang Isang ordinaryong maybahay hindi niya alam ang gagawin dahil buong buhay niya ay nakadepende sa kanyang nakulong na asawa.
Pero bukod sa hirap ng mag-isa ,naging problema rin nito ang duda o ang pagiging seloso ng kanyang asawa habang nasa bilangguan.
Pinagbintangan siya na hahanap na siya ng kapalit.
Tiniis nito ang nakikitang hirap rin ng asawa sa kulungan at pinatunayan ang pagiging mabuting asawa.
Pero hindi naging sapat ito at dumating sa puntong tuluyan ng naghiwalay ang kanilang landas.
Sa mga panahon tuliro siya kung ano ang gagawin sa buhay ,Bibliya ang sumalba ng kanyang buhay.
Nagbasa ito ng mga salita ng Diyos at hindi niya raw namalayan na natapos niyang basahin ang buong Bibliya.
Sa gitna ng pagbabasa unti unting nabubuksan ang kanyang isip .
Tumatak aniya sa kanyang puso ang ipinaramdam ni Jesus na sa bawat paghihirap kapalit nito ay kaginhawahan.
Nagkaroon aniya siya ng panibagong pag asa at naunawaan na hindi siya nag iisa, marami sa paligid niya ang nagmamahal sa kanya.
Kabilang na rito ang kababata niyang babae kung saan nanatili silang matalik na magkaibigan.
Nagsimula siyang bumangon sa buhay. Namasukan sa Isang orphanage bilang tagaluto.
Wala silang anak ng kanyang nakakulong na Asawa kaya naaliw itong makakita ng mga bata na masayang pinagsasaluhan ang kanyang nilutong pagkain.
Sa kasalukuyan ay namasukan ito sa Maynila at nagkaroon Ng bagong Kasintahan.
Bagama’t long distance love affair masaya na rin siya sa panibagong yugto ng kanyang buhay.
Inamin nito na humingi ito ng patawad sa Panginoon dahil sa tangkang hindi magandang gawin sa kanyang buhay at kawalan ng tiwala.
Ayon sa kanya “ hinding hindi ko na uulitin LAHAT Ng Yun.”
Dagdag pa nito na ang paniniwala sa Panginoon at pagbabasa ng Bibliya ang naging daan niya para makita na sa kabila ng mga hamon may kaakibat itong ginhawa at saya.
Natuto siyang ipagkatiwala ang kanyang buhay sa Panginoon na hindi siya pinabayaan sa panahong siya ay nangangailangan.