Pinangangambahan ngayon ang posibleng pagsasara ng federal agencies sa Estados Unidos simula bukas.
Ito ay matapos hindi aprubahan ng United States House of Representatives ang proposed bill na nagpapanukala sana ng pansamantalang pagpopondo sa gobyerno ng Estados Unidos.
Sa botong 232-198 ay nireject ng Kamara sa Amerika ang panukalang pondohan ang gobyerno sa loob ng 30 araw.
Ayon sa mga kinauukulan, ang naturang panukalang bataw ay makakabawas sana sa gastos ng gobyerno at magpapataw naman ng mga restrictions pagdating sa immigration at border security.
Dahil dito ay kinakailangang magsara ng National Park Service, habang ang Securities and Exchange Commission sa Estados Unidos ay sususpindihin naman ang kanilang regulatory activities na posibleng makaapekto sa pagpapasahod sa nasa apat na milyong federal workers simula 12:01 a.m. sa Linggo sakaling hindi talaga makapasa sa Kongreso ang spending budget ng Estados Unidos.
Samantala, sa kabila nito ay may isinusulong naman ngayong kaparehong bill ang US Senate na kilala rin sa tawag na continuing resolution na layuning mapondohan ang gobyerno hanggang sa Nobyembre 17, 2023.