Ang magandang balitang siya ang National Winner for Best Actress para sa Nanahimik Ang Gabi at magiging kinatawan ng Pilipinas sa Asian Academy Creative Awards 2023 ang sumalubong kay Heaven Peralejo nang bumalik ito sa bansa mula sa Fuzhuo, China.
Dumalo si Heaven, kasama sina Enchong Dee, Mon Confiado, at direktor na si Paul Soriano, sa 10th Silk Road International Film Festival sa China.
Si Heaven ang bidang aktres sa The Fisher, ang pelikula ng Ten17P na nagkaroon ng world premiere sa 10th Silk Road International Film Festival na nagsimula noong September 23, 2023 at natapos noong September 27, 2023.
Sa kanyang pagbabalik sa bansa, ang balitang siya ang national winner sa best actress category ng Asian Academy Creative Awards ang natanggap ni Heaven na gulat na gulat sa hindi inaasahan na sorpresa.
“Still on cloud nine. Most unexpected victory yet. Never in my wildest dreams did I imagine this to be happening! I am truly so honored to have won the Country Winner for Best Actress in Nanahimik Ang Gabi and being nominated as the Philippine representative for the Asian Academy Creative Awards.
“But the blessings, did not end just there. Our film also received recognition for Best Screenplay and Best Picture. It’s an absolute dream come true, and I still can’t believe it. This will forever be in my heart,” Instagram post ni Heaven tungkol sa kanyang panibagong tagumpay.
Kumpirmasyon itong talagang mahusay ang pagganap niya sa Nanahimik Ang Gabi kaya nanalo rin siyang best actress para sa nasabing pelikula sa 39th Luna Awards noong Agosto 26, 2023.
Kabilang sa makakalaban ni Heaven sa kategoryang Best Actress In A Leading Role sa Asian Academy Creative Awards, na gaganapin sa Singapore sa Disyembre 6, 2023, ang Korean actress na si Song Hye Kyo.
Si Song Hye Kyo ang National Winner sa nKorea para sa kanyang pagganap sa Netflix series na The Glory.
(pep.ph)