Ilang mga mangingisda ang nagpapahayag ng kanilang saloobin kaugnay sa umano’y patuloy na pangha-harass ng barko ng China sa mga Pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea.
Ayon kay Pag-Asa Island Fisherfolk Association president Larry Hugo, hindi na sila pinapayagang lumayo sa loob ng 5 nautical miles sa paligid ng Pag-Asa Island at Kalayaan dahil may mga naka-paligid na barko ng China.
“Marami po sila, nandoon sila sa may sandbar 2, sandbar 3,” sabi ni Hugo.
“Binubusinahan lang po kami pag hinaharass kami… Pumupunta kami sa mga bahaging mababaw para hindi sila makasunod sa amin,” dadgag pa niya.
Ayon kay Hugo, may nahuhuli pa silang tanigue at tulingan sa paligid ng kanilang isla pero hindi hamak na mas marami pa silang mahuhuli kung papayagan silang makalayo sa kanilang isla.
“Maraming isda po sa bahura na pinapaikutan ng barko ng mga Chinese,” saad ni Hugo.
Kung matatandaan, naiulat noong Sabado na isang barko ng Chinese Navy ang BRP Francisco Dagohoy habang pabalik ito gn Palawan matapos maghatid ng tulong pangkabuhaya sa mga taga-Pag-Asa Island.
Hindi dapat palampasin ng pamahalaan ang mga ganitong klaseng reklamo ng ating mga mangingisda lalo na at sa teritoryo natin sila naghahanap ng kanilang ikabubuhay.
Kailangang maimbestigahan agad ito ng pamahalaan at kailangan ring siguruhin ang kaligtasan ng ating mga mangingisda na patuloy na nakakaranas ng diskriminasyon mula sa China pagdating sa pangingisda sa ating mga teritoryo.