Walang ngipin ang Family Code of the Philippines of 1987 laban sa mga malupit, abusado, pabaya, o nag-abandonang mister, ayon sa Divorce Pilipinas Coalition (DPC).
Ayon sa liham ng DPC na ipinadala kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na humihiling na sertipikahan bilang urgent bill ang Divorce Bill na nakabinbin sa Mababang Kapungan at Senado.
“EO 209 a.k.a. the Family Code of the Philippines of 1987, that is to be attendant of non-Muslims does not empower Catholic and non-Catholic wives to protect themselves from cruel, abusive, neglecting, or deserting husbands. Where is the equal protection of the law applied here? Where is equal dignity and respect here?” anang DPC.
Inihalimbawa ng grupo sa legal na perspektiba para ipasa ang Divorce Bill ang naging desisyon ng Korte Suprema na iniakda ni Senior Associate Justice Mario Victor “Marvic” F. Leonen sa kasong
Malillin vs Jamisolamin na hindi puwedeng pilitin ng estado ang dalawang indibidwal na manatiling nagsasama sa isang mapanirang relasyon.
“The State cannot insist on such permanence and inviolability per se under the pretense of its constitutional mandate to protect the existence of every marriage. The state’s interest cannot extend to forcing two individuals to stay within a destructive marriage…there is no interest, public or private, to protect in the continued declaration of the existence of a marriage. If at all, the couple now separated and living their own lives are imposed with an unjust burden of a false status. This is pure and simple cruelty.”
Bagama’t ang naturang desisyon ay hinggil sa Annulment case, pinabulaanan nito ang mga akusasyon ng anti-divorce advocates na labag sa Konstitusyon ang diborsiyo.
Sa katunayan, anang DPC, ang pagbabawal sa divorce ang “unconstitutional” dahil sa tiyak na mga epekto sa awtonomiya at dignidad.
“In fact it is the prohibition of divorce that is unconstitutional due to its preclusive effcts on autonomy and human dignity,” sabi ng grupo.
Binigyan diin ng DPC, na ang Pilipinas ay isa sa mga lumagda sa Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women (CEDAW), na nagbigay daan sa pagbuo sa Commission on Women.
Co-signatory rin anila ang Pilipinas sa International Covenant on Economic, Social, and Cultural Right (ICESCR) pero wala pa rin umiiral na divorce law sa bansa na hindi akma sa batayang prinsipyo ng international human rights law.
Nabatid na co-signatory rin ang Pilipinas sa Universal Declaration of Human Rights (UDHR) noong 1949 ngunit sa naturang taon din ay binawi ang Divorce Act of 1917 at pinalitan ng Civil Code o Republic Act 386.
“Also is an even older international treatise. The Philippines is a co-signatory of the 1949 Universal Declaration of Human Rights (UDHR0. That same year, the Philippines also repealed the existing Divorce Act of 1917, by enacting Civil Code (R.A.386).”
ITUTULOY