Umabot na sa P92.415million ang halaga ng mga tulong pinansiya na naipagkaloob ng pamahalaan sa mga retailers ng bigas na natukoy bilang apektado sa ipinatupad na price cap.
Ito ay batay sa pinakahuling datus ng Department of Social Welfare and Development(DSWD).
Ang naturang halaga ay naipagkaloob sa kabuuang 6,161 na retailers mula sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Una nang sinabi ng DTI na target nitong mabigyan ang hanggang sa 8,390 micro at small rice retailers na apektado ng price cap, simula mag-umpisa ang pagpapatupad nito sa unang linggo ng Setyembre.
Ayon sa DSWD, magpapatuloy pa rin ang kanilang pagtuloy sa iba pang apektado na hindi pa nabibigyan ng tulong pinansyal mula sa pamahalaan.
Samantala, ngayong araw din ang pagsisimula ng pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga nagmamay-ari ng sari-sari store sa buong bansa na apektado rin sa implimentasyon ng price cap.