Walang kakaba-kabang ibinuslo ni Rob Celiz ang jumper mula sa gilid at kargahin ang Makati sa isang makapigil-hiningang 82-80 panalo kontra Batangas City sa OKBet-MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Fifth Season sa Valenzuela City.
Ang dating PBA player na si Celiz ang tumapos sa paghahabol ng Batangas mula sa walong puntos na kalamangan ng Makati, pero tila determinado ang beteranong player na giyahan ang kopnan.
Limang puntos mula kay Jong Baloria at isang three-point shot mula kay John Rey Villanueva ang nagtabla sa 80-all 19 segundo na lang ang nalalabi.
Pero sapat ang ras na ito para makagawa ng play ang Makati at walang alinlangang ginabayan sila ni Celiz para tulungan ang Makati na mag-improve sa kanilang win-loss record na 20-7 para umakyat sa ikalong puwesto ng North division.
Ang Batangas naman ay nalasap ang ika-anim na talo sa 27 laro at sinosyohon sa ikalawang puwesto ang GenSan sa South division.
Nagtala si Celiz ng 22 puntos, apat na rebounds at tatlong steals.
Nakatuwang niya rin rito si Billy Robles na nag-ambag ng 15 puntos at walong rebounds.
Pinangunahan naman ni Baloria ang Batangas ng may 19 na puntos, anim na assists at apat na rebounds.
Sa isa pang laro, tinalo ng Bacolod ang Paranaque, 77-71.