Hindi impresibo ang ipinakita ni Gilas Pilipinas women’s team naturalized player Malia Bambrick sa nakaraang William Jones Cup tournament kung saan isang beses lang sa isang laro silang nanalo sa limang laro sa torneo.
Pero hindi ito dahilan para bitawan ni Gilas coach Patrick Aquino si Bambrick, na sa palagay niya ay malaki ang maitutulong sa kanilang koponan sa kanilang unang pagsabak sa Asian Games women’s basketball.
“That was her first tournament since March of last year, so it’s been more than a year since she last played,” ang sabi ni Aquino.
“But we expect her to get better as we move along and that’s why we’re continuously joining tougher tournaments like the Jones Cup and the WKBL event since this is part of our build up for the Asian Games.”
Tutulak papuntang South Korea ang Gilas Pilipinas women’s team para lumaro sa Park Shin Ja Cup na inorganisa ng Women’s Korean Basketball League.
Magsisimula ang torneo sa 27 August hanggang 3 September sa Cheongju Gymnasium sa South Korea.
Magsisilbing build up ito ng mga Pinay ballers bilang paghahanda sa parating na Asiad kung saan maglalaro sila dito sa kaunaunahang pagkakataon.
Buo ang tiwala ni Aquino kay Bambrick na magpapatuloy ang pagbalik ng tikas ng kanyang paglalaro.
Si Bambrick ay isa sa mga pangunahing players ng Long Beach State, isang Division 1 school sa US NCAA.
Bukod kay Bambrick, sasandalan rin ni Aquino ang mga mainstays ng koponan na sina Jack Animam, Afril Bernardino at Janine Pontejos gayundin si Gabi Bade, anak ng dating Philippine Basketball Association at Metropolitan Basketball Association player Chris Bade.